Katanungan
bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon?
Sagot
Mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon dahil nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran.
Ang pagbuo ng desisyon ay isang mahalagang gampanin ng bawat indibidwal na masusing isinasagawa. Ang pagsisiyasat o pagsusuri ng mga pangyayari ay mahalaga upang higit na maunawaan ang ugat o dahilan ng kung bakit at paano naganap ang isang bagay.
Ang pagtukoy sa mga ito ay makatutulong upang makabuo ng isang patas at makatarungang katwiran dahil maingat na binalanse ang bawat panig ng pangyayari.
Idagdag pa riyan na sa pagsasagawa nito naiiwasan ang hindi patas na pagbibigay na katwiran na maaaring makasakit sa isang panig.