Bakit mahalaga ang karunungang bayan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang karunungang bayan? Hindi ma-kumpleto yung gawa ko. Penge naman ng tips dyan!

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang karunungang bayanNasa ilalim ng karunungan bayan ang mga salawikain, bugtong, kasabihan, idyoma, at sawikain. Mahalaga ang mga ito dahil ito ay sumasalamin sa mayamang kultura at panitikan ng isang bansa.

Ito ay bunga ng pagkamalikhain ng mga mamamayan na ipahayag ang kanilang damdamin. Mahalaga ito dahil nagkakaroon ng pagkamalikhain ang mga ginagawang akda, ang mga isinusulat na obra, at ang mga sinasalitang wika.

Ang mga karunungang bayan din ay nagpapatalas ng isip ng marami sa atin dahil kinakailangan patalasin din ang pang-unawa. Kaya naman dapat ay patuloy nating pagyamanin ang mga karunungang bayan dahil ito ay malaking bahagi ng ating kultura, kasaysayan, pagkakakilanlan, at pagkatao.