Bakit mahalaga ang mitolohiya?

Katanungan

bakit mahalaga ang mitolohiya?

Sagot verified answer sagot

Ang mitolohiya o mito ay mga kwentong kinapapalooban ng mga paniniwala ukol sa relihiyon at mga diyos at diyosa na nagbibigay ng kaukulang paliwanag tungkol sa isang kaganapan.

Ang mitolohiya ay may kaakibat na kahalagahan sa iba’t ibang larangan: sa sining, ito ang nagsisilbing inspirasyon ng mga manlililok, pintor, at arkitekto upang mas mapaganda pa ang kanilang likha na tumatalakay sa tradiyon, paniniwala, at kaugalian.

Sa lipunan, ito ay nakatutulong upang mapaunlad ng mga tao ang panlipunang gawain. Sa pananampalataya, nabibigyang buhay nito ang mga paniniwalang panrelihiyon at napalalalim ang pananalig sa Diyos.

Sa kabuhayan, napalalalim nito ang kakayahan at tiwala sa sariling kakayahan ng mga tao dahil sa inspirasyong handog ng mga diyos at diyosa sa isang mito.