Katanungan
bakit mahalaga ang pagbasa?
Sagot
Ang pagbasa ay mahalaga sa kadahilanang ito ang nagsisilbing ugat ng pagkatuto ng tao.
Ang pagbasa ay isang makrong kasanayan na dapat linangin ng bawat tao upang sa kanyang pagharap sa mundo ay magampanan niya ang pagkatuto at pagka-unawa sa iba’t ibang bagay. Sa tulong din nito, ang bokabularyo at kaalaman ng isang tao ay lumalawak.
Idagdag pa riyan na ang pagbasa ay nakatutulong sa paghasa ng ating kaisipan, nakapag-aalis ng bagot o pagkainip, maaaring marating o malaman ng tao ang isang lugar na hindi pa niya napupuntahan sa pamamagitang ng pagbasa, at mas napalalawak nito ang pananaw ng tao ukol sa buhay.