Bakit mahalaga ang paggabay sa pagpapasya?

Katanungan

bakit mahalaga ang paggabay sa pagpapasya?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga ang paggabay sa pagpapasya dahil nakatutulong ito upang higit na masiyasat na makabuo ng isang matalinong pasya.

Ang pagpapasya ay pagbuo ng isang desisyon na maaaring makabuti o makasama sa sarili gayundin sa kapwa. Ito ay binubuo ng apat na salik na kinabibilangan ng mga sumusunod.

Una, ang impormasyon ay ang ulat o kaalaman na ipinararating sa isang indibidwal na nagbibigay impluwensya upang makapagsagawa ng pasya. Ikalawa, sitwasyon o mga pangyayari o mga maaaring maganap alinsunod sa desisyong nabuo.

Ikatlo, mga payo kung saan nangangailangan ng paggabay ang indibidwal upang higit na matimbang ang mga bagay bagay tungo sa pagbuo ng pasyang matalino.

At ang huli ay ang oportunidad o ang pagkakataon kung saan naisasakatuparan ng indibidwal ang kanyang pasya.