Bakit mahalaga ang paggawa ng pananaliksik?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit mahalaga ang paggawa ng pananaliksik?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga ang pananaliksik upang mas lalong mapalawig ang iyong kaalaman sa mga ibang bagay.

Halimbawa na lamang ay may mga asignatura na ibinibigay ang mga guro sa paaralan na kailangan magsaliksik upang magkaroon ng diskusyon kinabukasan, ipinapahanap o ipinapasaliksik ito ng mga guro upang maging handa at magkaroon kahit ng kaonting kaalaman hinggil sa pag-aaral.

Isa pang halimbawa ay magagamit ang pananaliksik para makita ang mga resulta ng isang penomena sa kaganapan sa lipunan. Napapalalim ang kaisipan ng mga tao dahil sa pananaliksik at napapayabong ang sarili kaya kayang makipagdiskurso kahit kanino. Dahil sa pananaliksik ay nakakalahok din ang mga estudyante sa mga recitation o iba pang aktibidad sa paaralan.