Katanungan
Bakit mahalaga ang paghahating heograpikal ng Asya sa mga rehiyon sa pag-aaral ng heograpiya at kasaysayan ng asya? Wew! Ang haba ng question ko hahaha
Sagot 
Mahalaga ang ginawang paghahating-heograpikal ng Asya sa mga rehiyon lalo na sa pag-aaral ng heograpiya at pag-aaral ng kasaysayan dahil kung nakabukod ito ay mas madaling mauunawaan ang mga datos at impormasyon.
Napakalaking kontinente ng Asya, kaya naman sa pag-aaral pa lamang ng lupain nito ay lubhang napakahirap na. Kaya ang ginawang paghahati sa rehiyon ay nakatulong upang mas maituon ang kanilang oras at panahon sa pag-unawa sa katangiang pisikal ng bawat rehiyon, bago pumunta sa iba pang rehiyon.
Ganito rin sa kasaysayan dahil sa dami ng mga bansa sa Asya, tiyak na marami ding impormasyon tungkol sa kasaysayan. Sa paghahati nito ay mas napadali ang pag-unawa sa bawat pangyayari.