Katanungan
bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa mga salita?
Sagot
Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa mga salita upang mabigyang katuturan ang ideyang ipinahahayag gamit ang mga tamang anyo ng salita at maunawaan ang kaalamang ipinararating ng kapwa.
Ang paggamit ng salita ay isang gawaing hindi matatawag na simple sapagkat ito ay may kaakibat na mabigat na responsibilidad.
Ang kayarian ng salita ay nagkakaiba-iba subalit may mga bagay na nagbibigay ng pagkakarapeho na kung saan kung ang pagkakagamit ay hindi wasto maaari itong makapagbigay ng ibang impormasyon sa ibang tao na pwedeng magdulot ng hindi pagkakaunawaan.
Kaya naman, dapat na maging malawak ang kaalaman sa paggamit ng salita upang makatarungang maihayag ang kaalaman at hayagang maunawaan ang iba.