Bakit mahalaga ang paglinang ng tiwala sa sarili?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit mahalaga ang paglinang ng tiwala sa sarili?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang paglinang ng tiwala sa sariliMahalaga ang tiwala sa sarili sapagkat ito ang nakapagbibigay sa tao ng dahilan upang maipakita ang kaniyang sariling galing.

Bawat isa sa atin ay mayroong talento at abilidad, ngunit hindi naman lahat ay kayang ipakita ito sa iba. Kinakailangan pa nilang mabuo ang kanilang tiwala sa sarili upang magkaroon ng kompiyansa na humarap sa iba at maipamalas sa lahat ang kanilang kakayahan.

Kung hindi malilinang ang tiwala sa sarili, mananatiling nakatago ang potensiyal ng isang tao dahil mas iisipin niya lagi ang sasabihin ng iba. Kung may tiwala sa sarili ang isang tao, anuman ang kaniyang gawin, ano man ang kalabasan nito, ay buong tapang niya itong haharapin.