Bakit mahalaga ang pagpapasalamat?

Katanungan

bakit mahalaga ang pagpapasalamat?

Sagot verified answer sagot

Ang pasasalamat ay isang paraan ng pagpapakita natin na tayo ay nalulugod at nagpapahalaga sa ating kapwa at maging sa ating sarili.

Mahalagang lagi natin ipakita ang ating pasasalamat, lalo na kung tayo ay ipinakitaan ng kabutihang loob, upang maibalik rin natin ang kabutihang loob na iyon sa ating kapwa.

Sa wikang Filipino, “Maraming Salamat,” ang sinasambit natin tuwing may ibinigay o may kabutihang ginawa sa atin.

Nakalulugod marinig ang mga katagang “Maraming Salamat” kaya naman dapat tayo magpasalamat upang maging masaya rin ang ating kapwa. Sa pagpapasalamat rin ay ating ipinapakita na tayo ay tumatanaw ng utang na loob sa ating kapwa.