Bakit mahalaga ang pagsasama sama ng isang pamilya?

Katanungan

bakit mahalaga ang pagsasama sama ng isang pamilya?

Sagot verified answer sagot

Sa ilalim ng Saligang Batas ng ating bansang Pilipinas, sinasabing pamilya ang pinaka-basic unit n gating komunidad.

Ibig sabihin, kung walang pamilya ay walang mabubuong lipunan. Kaya naman napakahalaga sa ating kulturang Pilipino na magsama-sama ang isang pamilya.

Malaki ang ating respeto sa ating mga magulang at ang pagmamahal natin sa ating pamilya ay walang kapantay. Ito ang mga damdamin na pinanghahawakan natin upang mapanatiling buo ang pamilya.

Ang isang buong pamilya ay nagpapakita rin ng pagtutulungan ng bawat miyembro. Totoo naman na walang perpektong pamilya pero kung ang lahat ay sama-sama ay malalagpasan ang bawat problemang darating at haharapin.