Bakit mahalaga ang pagtatala ng mga impormasyon?

Katanungan

bakit mahalaga ang pagtatala ng mga impormasyon?

Sagot verified answer sagot

Ang pagtatala ng impormasyon ay mahalaga upang hindi makalimutan ng indibidwal ang mga impormasyon. Ang impormasyon na maaaring mapulot mula sa pakikinig sa larangan man ng paggawa o edukasyon ay nangangailangan ng pagtatala.

Ang mga impormasyong maitatala ay higit na makapagbibigay ng tulong sa indibidwal upang muling malaman ang mga napag-usapan o ang mga kaalamang nabanggit na maaaring gamitin ng tao sa ayon sa kanyang pangangailangan.

Kung kaya naman ang pagtatala o paglilista ng mga ito ay higit na mahalaga upang hindi makalimutan ng isang indibidwal ang mga mahahalagang kaalaman. Ito ay maaaring gawin ng kahit na sino mang indibidwal.