Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa?

Katanungan Sagot

4

Katanungan

bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwaMahalaga ang pagtulong sa kapuwa sapagkat kung may pagtutulungan ang bawat isa ay mas madaling magagawa ang maraming bagay at magkakaroon ng pagkakaisa.

Ang pagtulong sa kapuwa ay obligasyon ng bawat isa. Sinasabi ngang walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Ibig sabihin, lahat tayo ay dapat mag-abot ng kamay sa sinumang nangangailangan at magbigay ng tulong sa sinumang nasa kagipitan.

Ang pagpapakita ng pagtulong ay pagbuo rin ng magandang relasyon o ugnayan sa kapuwa. Kung mayroong magandang ugnayan ang bawat isa, masasabing makakamit na ang pagkakaisa. Kung mayroon namang pagkakaisa, ito na ang magiging hakbang upang kumilos ang lahat sa inaasam na pag-unlad.