Bakit mahalaga ang pakikipag usap sa pamilya?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit mahalaga ang pakikipag usap sa pamilya?

Sagot verified answer sagot

Ang pakikipag usap sa pamilya ay mahalaga dahil dito maaayos ang lahat ng kahit anong bagay na nagaganap sa loob ng tahanan.

Pangunahing prayoridad dapat ang komunikasyon sa isa’t isa upang magkaunawaan at malaman ang panig ng kahit sino.

Ito ang makakapag paunlad sa relasyon ng pamilya at pagtitibayin ang kanilang samahan na walang mangyayaring kaguluhan.

Sa pamamagitan ng pakikipag usap ay makikita rin ang pag respeto sa bawat isa kung mayroon nga ba o wala. Pwede rin itong maging daan para mas maintindihan ang mga pinagdadaanan o problema ng mga miyembro dahil ang una naman na pupuntahan lagi pag may problema ay ating mga pamilya.