Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan?

Katanungan Sagot

4

Katanungan

bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan?

Sagot verified answer sagot

Ang pakikipagkaibigan ay mahalaga sapagkat napauunlad nito ang aspetong pakikipag-kapwa ng indibidwal. Ang pakikipagkaibigan ay isang uri ng pakikipag-kapwa tao ng isang indibidwal na gingawa upang makakilala ng iba pang indibidwal.

Kadalasan ang ugnayang nabubuo ay maaaring sa pagitan ng dalawang tao o di naman kaya ay grupo. Madalas na nabubuo ang isang ugnayan kung ang mga indibidwal ay nagkakasundo sa mga bagay tulad ng mga gawi, hilig, at paniniwala.

Tinuturing na mahalaga ang pakikipagkaibigan dahil ito ay nakatutulong sa tao na malinang ang kanyang kakayahan sa pakikipag-kapwa partikular na sa pakikisalamuha na kung saan ang mga pagkatutong ito ay makatutulong sakanya sa hinaharap.