Katanungan
bakit mahalaga ang pakikipagkalakalan para sa mga greek?
Sagot
Mahalaga ang pakikipagkalakan sa mga Greek dahil ito ang nagbigay daan sap ag-unlad ng kanilang mga lungsod-estado. Ang kabihasnang Greek ay umusbong sa bahaging timog-silangan ng bansang Europa.
Ang heograpiya nito ay inilarawan bilang mabundok at mabato subalit hindi ito naging hadlang sa mga Griyego upang maging daungan ng mga mangangalakal sa iba’t ibang lugar.
Dahil sa lokasyon ng Greece, hindi naging madali ang pamumuhay subalit ito ay nagtataglay ng mga daungang mgaganda na naging tulay upang makabuo ng mga ugnayan sa mga karatig nitong lugar.
Dahil dito, natutong makipagkalakan ang mga Griyego na naging tulay upang mas umunlad ang kanilang pamumuhay.