Bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan? Ask ko lang sana para sa module ng kapatid ko, medyo naguguluhan kasi ako at di ko siya matulungan..

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulunganIsang mahalagang prinsipyo sa buhay ng tao ang pagtutulungan. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi tayo nag-iisa sa mundong ito ay dahil kailangan natin ang tulong ng isa’t isa.

Bagaman mayroon tayong kani-kainyang talento at kakayahan, mayroong mga bagay na hindi pa rin natin kayang gawin na ang maktutulong lang sa atin ay ang ating kapuwa.

Ang pagtutulungan din ay nagbubunga ng pagpapabilis at pagpapadali ng mga gawain. Kung mas maraming kikilos para sa isang adhikain o misyon, mas malaki ang tsansang makamit ito nang mabilis at masiguro ang pagtatagumpay. Mas lumalakas din ang puwersa ng mga mamamayang may pagkakaisa at pagtutulungan sa kanilang ginagawa.