Bakit mahalaga ang radyo?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang radyo?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang radyoMahalaga ang radyo sapagkat ito ang pinakamabisa, pinakamadali, at pinakaginagamit na pinagmumulan ng impormasyon.

Sa radyo ay makapakikinig ng balita gamit lamang ang isang simpleng aparato. Kahit sa ilang malayong lugar tulad ng mga kabundukan ay naaabot naman ng ilang signal ng radyo kaya nagagamit ito ng ilang naninirahan sa malalayong lugar.

Isa pa, hindi rin ganoon kamahal ang radyo kaya naman halos lahat ay nakabibili na nito. Ang radyo rin ay kadalasang ginagamit upang makapagbigay ng aliw.

Maraming mga nagmamaneho ng kanilang mga sasakyan para sa hanapbuhay ang dumedepende sa radyo upang magbigay aliw at impormasyon sa kanilang biyahe at hindi makatulog.