Bakit mahalaga ang tamang paghinto kapag nagsasalita o nagbabasa?

Katanungan

bakit mahalaga ang tamang paghinto kapag nagsasalita o nagbabasa?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga ang tamang paghinto kapag nagsasalita o nagbabasa dahil mas nakakatulong ito upang maging malinaw ang mensahe na nais iparating.

Mas nagkakaunawan ang mambabasa at nakikinig, o ang taga-pagsalita at ang kausap nito. Sa tamag paghinto rin ay nabibigyan ng pagkakataon na makasunod nang maayos o mabuti ang mga mababagal magbasa o di kaya naman ay ang mga may sira o mahina ang pandinig.

Hindi rin mapapagod ang mambabasa o taga-pagsilat kung sinusundan nito ang tamang paghinto. Dahil sa tamang paghinto ay makakahinga sila nang maayos.

Bukod sa tamang paghinto, kinakailangan rin ng tamang diksyon upang masiguro na klaro ang mensahe.