Bakit mahalaga ang wika at etnisidad bilang batayan ng paghahating etnolinggwistiko?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang wika at etnisidad bilang batayan ng paghahating etnolinggwistiko? Salamat ng marami sa makakatulong saken ^_^

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang wika at etnisidad bilang batayan ng paghahating etnolinggwistikoAng mga pangkat etniko sa Pilipinas ay nahahati sa iba’t ibang etnolinggwistiko. Ang wika at etnisidad ay may mahalagang tungkulin dito dahil ito ang nagiging batayan ng mga pagkakahati.

Ang wika kasi ang isang sa mga pagkakakilanlan ng isang pangkat etniko sa bansa. Bagaman mayroong mga pangkat na mayroong magkatulad na wika, makikita pa rin naman ang ilang pagkakaiba nito.

Ang etnisidad naman ay isang mahalagang salik din sa pagtukoy ng mga paghahating etnolinggwistiko dahil dito matutukoy kung saang teritoryo lumaki at lumago ang bilang ng mga pangkat etniko.

Dito nakikita ang pagkakahati ng mga pangkat na mayroon sa bansa kaya naman mahalagang salik ang wika at etnisidad.