Bakit mahalaga ang wika sa kapwa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang wika sa kapwa? May idea na ako pero kung may makakabigay sana ng pointers mas okay. Thx.

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang wika sa kapwaAng wika ay mahalaga lalo na sa kapuwa dahil ito ang nagiging daan ng komunikasyon at unawaan. Mahalaga ang unawaan at pag-uusap ng bawat isa dahil ito ang nagiging daan upang maging matagumpay ang mga mithiin sa buhay at mga damdaming nais iparating.

Dahil sa wika, nabibigyang daan ang nararamdaman ng isang tao upang maparating sa kaniyang kapuwa. Dito naipapasa ang impormasyon at mas yumayaman at tumatalas ang isip ng isang tao.

Ito rin ang naging daan upang mas lumawak ang damdamin at pag-unawa ng tao sa kaniyang kapuwa. Kung walang wika, mananatiling ideya lamang ang mga ideya at hindi magiging isang matagumpay na bagay.