Bakit mahalaga ang wika sa pagbuo ng isang pagkakaisa at pagkakaunawaan ang lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang wika sa pagbuo ng isang pagkakaisa at pagkakaunawaan ang lipunan?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang wika sa pagbuo ng isang pagkakaisa at pagkakaunawaan ang lipunanMahalaga ang wika sa pagbuo ng isang pagkakaisa at pagkakaunawaan ng lipunan sapagkat ang wika ang nagiging tulay ng komunikasyon sa bawat isa.

Ang maayos at epektibong komunikasyon kasi ang totoong nagiging dahilan kung bakit nagkakaunawaan ang bawat kasapi ng lipunan.

At naisasagawa nila ang komunikasyon na iyon dahil sa wika. At kung ang bawat isa naman ay mayroon nang maayos na ugnayan at komunikasyon, dito na nabubuo ang pagkakaisa.

Dahil mayroon na silang iisang adhikain, dito nagkakaroon ng pagkakaisa. At alam nating hindi mabubuo ang maayos at epektibong komunikasyon kung wala ang wika kaya naman mahalaga ito sa pagkamit ng iba’t ibang layunin ng lipunan.