Bakit mahalaga ang wika sa sarili?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang wika sa sarili? Pa-help naman po, wala kasi yung Ate ko para magturo sakin huhu 🙁

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang wika sa sariliHindi lamang sa pakikipagkomunikasyon sa kapuwa kailangan ang wika. Kinakailangan din ang wika dahil may kinakailangang paunlaring sarili. Ang wika ay isang mabisang lunsaran ng damdamin ng isang tao.

Sinasabing kinakailangang ilabas ng tao ang kaniyang damdamin, gaano man ito kasaya o kapighati. Ayon sa agham, ang hindi paglalabas ng damdamin gamit ang boses ay nakasasama sa kalusugan. Ang paglalabas ng opinyon at nararamdaman sa pamamagitan ng wika ay nakapapayapa rin ng damdamin.

Walang katumbas ang mailabas mo ang inilalaman ng iyong damdamin at puso. Kung nangyayari ito, siguradong walang damdamin ang makukulang at isang mapayapang kalooban ang laging mayroon ang isang tao.