Katanungan
bakit mahalaga ang wika sa sarili sa lipunan at sa kapwa?
Sagot
Mahalaga ito dahil ang wika ay tumutulong para tayo ay ikonekta sa ibang pang tao sa ating lipunan.
Kung wala ang wika ay hindi tayo magkakaintindihan at magkakaroon pa ng away kung mayroon man ibang ibig sabihin ito. Batid din ng wika na makatulong sa pagtataguyod ng mga relasyon sa bawat grupo o komunidad.
Halimbawa na lamang ang mga taga Metro Manila ay may onting pagkakaiba ng wika sa mga tao mula kanayunan, ngunit nandiyan ang wika pa rin upang makapagbuo ng koneksyon sa mga tao.
Dagdag pa rito, nandiyan din ang wika para makapagpadaloy ng mensahe kahit malayo ang lugar ng mga tao.