Bakit Mahalaga ang Wikang Filipino?

Katanungan

Bakit mahalaga ang wikang filipino?

Sagot verified answer sagot

Bagamat ang ating bansang Pilipinas ay may dalawang opisyal na wika: Ingles (o English) at Filipino, ay mas importante pa ring bigyan natin ng mas malaking pansin at halaga ang wikang Filipino.

Ingles ang pangunahin wikang internasyonal at talaga namang malaking tulong ito sa ating buhay at sa pakikipag-komunika sa ibang bansa, ngunit ang ating sariling wikang Filipino ay sariling atin na dapat ipagmalaki.

Minana pa natin ang wikang Filipino mula sa ating mga ninuno. Dapat ay maging masaya tayo na may sarili tayong wika kaya naman pahalagahan at pangalagaan natin itong tunay. Gaya ng kasabihan, ating pagyamanin ang sariling atin.