Bakit mahalaga matutunan ang pagsulat ng talumpati?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit mahalaga matutunan ang pagsulat ng talumpati?

Sagot verified answer sagot

Sa pamamagitan ng talumpati ay maaaring ibahagi ng isang tao ang kanyang saloobin o opinyon tungkol sa isang bagay o isyu. Mahalagang matutunan ang pagsusulat ng talumpati upang mas mapaunlad ang kaisipan ng magtatalumpati at mas maihayag niya ito na mas maiintindihan ng mambabasa o makikinig.

Hindi basta-basta ang pagtatalumpati o maging ang paggawa nito. Dapat ay maayos at mahusay ang pagsusulat ng isang talumpati kaya importanteng matutunan ang pagsusulat nito.

Layunin ng talumpati na mapalawak ang kaalaman, mahikayat, at magturo sa sinumang makakabasa o makakarinig nito. Kung maayos ang pagkakasulat ng talumpati ay mas mapapadali ang pagkalat nito at pagkaintindi ng mga tao rito.