Bakit mahalaga na alam ng tao ang kanyang mga karapatan?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

bakit mahalaga na alam ng tao ang kanyang mga karapatan?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga na malaman ng isang indibidwal ang kanyang karapatan upang maipagtanggol nito ang kanyang sarili at matukoy ang kanyang mga limitasyon.

Ang isang tao ay mayroong mga karapatang tinatamasa. Karapatan na nagiging batayan ng kanyang kabutihang pagkilos sa lipunang ginagalawan.

Ang mga karapatang ito ay higit na pinagtibay ng batas na umiiral sa bansa. Kung kaya naman mahalaga na ito ay malaman sapagkat sa tulong nito maipagtatanggol niya ang kanyang sarili laban sa mga bagay na maaaring mangyari.

Idagdag pa riyan, ang pagtukoy sa limitasyon na maaaring isakilos ng isang indibidwal upang maiwasan ang makasakit ng kapwa o makagawa ng hindi maganda.