Bakit mahalaga na malaman natin ang mga kasalukuyang nangyayari sa ating bansa at sa buong mundo?

Katanungan

bakit mahalaga na malaman natin ang mga kasalukuyang nangyayari sa ating bansa at sa buong mundo?

Sagot verified answer sagot

Ang pagkakaroon natin ng awareness, o kamalayan, ay isa sa mga pinaka mahalagang karakter na dapat ay mayroon tayo bilang mga tao.

Biniyayaan tayo ng isip upang mag-proseso ng mga impormasyon at bagay-bagay. Kaya naman dapat talaga na tayo ay may kaalaman sa kung anong nangyayari sa ating bansa at ganun na rin sa buong mundo.

Mahalaga ito dahil makakatulong sa atin ang mga balitang ating makakalap upang malaman ang estado ng ating bansa at kung makakaapekto ito sa ating pamumuhay.

Mahalaga rin ito dahil nakakapagbigay babala kung may sakuna mang mangyayari sa isang lugar at kung paano maiiwasan ito.