Katanungan
Bakit mahalaga sa isang larawan o drawing ang Albapeto ng linya?
Sagot
Mahalaga sa isang larawan o drawing ang albapeto ng linya ay naipakikita nito ang wastong pagbuo ng iba’t ibang guhit o linya, nakatutulong upang makabuo ng iba’t ibang linya o guhit, at nakatutulong upang makapagbibigay ng mungkahi o puna sa isang proyekto.
Ang paggamit ng alpabeto ng linya ay isang kapaki-pakinabang na aspeto higit na lalo sa mga indibdiwal na nag-aaral sa paggawa ng disenyo partikular na ng mga imprastraktura.
Ang pagkatuto ng wastong gamit nito ay kasiya-siya upang mabuo ang isang proyekto ng may tamang anyo o aspeto na kapaki-pakinabang sa pagkamit ng tiwala mula sa mga makatatanggap nito.
Kung kaya, ang bawat linyang bumubuo sa alpabetong ito ay nagtataglay ng angking gamit at kapakinabangan.