Bakit mahalaga si Tangun sa sinaunang Korea?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit mahalaga si tangun sa sinaunang korea?

Sagot verified answer sagot

Sa kasaysayan ng Sinaunang Korea, kinikilala si Dangun, Tangun, o Dangun Wanggeom bilang isa sa mga pinakamakapangyarihang hari.

Siya ang nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa kanyang bansang Korea. Ito ay tinawag na Kaharian ng Gojoseon. Tinatayang anak ng Diyos si Dangun kaya naman ganoon na lamang ang kapangyarihan at lakas na kayang tinataglay.

Sa kasalukuyang Korea ay may mahigit sampung relihiyon ang patuloy na sumasamba sa kanya. Si Dangun ay isa ng mahalagang bahagi ng kanilang kultura at tradisyon.

Makikita pa rin sa bansang Korea ang mga rebulto at karatula na may mukha ni Dangun. Patuloy pa rin siyang itinuturo sa mga paaralan at maraming mga bata pa rin ang nakakakilala sa kanya.