Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya? Na-ol happy family hahaha 😀

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilyaMahalaga ang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya dahil ang pamilya ang masasadalan natin at katuwang sa anumang pagdaraanan sa buhay.

Kung ang pamilya ay may magandang relasyon, tiyak na ang samahang ito ang magiging sandata sa anumang pagdaraanan mo sa buhay, tagumpay man o pagkabigo.

Kasama rin dito ang dahilan na ang pamilya ay nag-iisa lamang. Hindi na ito mapapalitan nang sinuman at isang biyaya na mula sa Maykapal na kailangang pag-ingatan at pagyamanin.

Ang pamilya ay simbolo ng pinakamatibay at pinakamahalagang samahang magkakaroon tayo sa mundo kaya naman dapat ay pagyabungin ang magandang ugnayan dahil isa itong yaman na mula sa Diyos.