Bakit mahalagang gamitin ang mga gampanin ng wika sa pang araw-araw nating pamumuhay?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalagang gamitin ang mga gampanin ng wika sa pang araw-araw nating pamumuhay?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalagang gamitin ang mga gampanin ng wika sa pang araw-araw nating pamumuhayMahalagang gamitin ang gampanin ng wika sa pang-araw-araw nating pamumuhay sapagkat ito ang makapagbibigay ng wasto at tamang gamit nito batay sa sitwasyon.

Ang iba’t ibang gampanin ng wika ay may iba’t ibang layunin. Kaya naman kung magagamit ito sa pang-araw-araw na pakikipag-usap, ang pagbibigay ng impormasyon sa kausap at kapuwa ay mas magiging epektibo at mabisa.

Malalaman nito kung ano ang layunin ng paggamit ng wika sa iba’t ibang panahon. Maiiwasan din ang pagkakaroon ng kalituhan at mas tamang magagamit ang mga salita at estratihiya ng pakikipag-usap. Mas magiging mabisa rin ang pagpapahayag ng sarili at mas mahihikayat ang iba sa nais mong mangyari.