Bakit mahalagang isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan?

Katanungan

bakit mahalagang isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan?

Sagot verified answer sagot

Mahalagang isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan sapagkat ito ang mapagkukunang yaman ng mga tao bilang tugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ang kalikasan ay may mahalagang gampanin sa buhay ng bawat organismo na matatagpuan sa mundo sapagkat bukod sa pagbibigay tirahan nito sa mga bawat nabubuhay na nilalang, ito rin ang nagsisilbing tagapagbigay ng mahahalagang bagay na kailangan gaya ng tubig, lupa, at pagkain na kapaki-pakinabang sa bawat nilalang.

Subalit sa paglipas ng panahon, ang pagmamalabis ng mga tao ay lubhang nakasasama sa kalikasan na nagiging dahilan din ng mga sakunang kinahaharap ng mga tao sa kasalukuyan. Kaya naman, mahalaga ang pangangalaga sa kalikasan upang mapanatili ang buhay at kaligtasan ng bawat nilalang.