Bakit mahalagang ituring na magkakapantay ang mga wika sa Pilipinas?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalagang ituring na magkakapantay ang mga wika sa Pilipinas? Diba dapat mas proud tayo sa iba’t-ibang uri ng wika na atin? Ano po sa tingin ninyo?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalagang ituring na magkakapantay ang mga wika sa PilipinasMahalaga na ituring na magkakapantay ang mga wika sa Pilipinas dahil ang wika ay maituturing na kayamanan ng isang bansa. Dapat igalang ang kahalagahan ng bawat wika dahil ito ang nagsisilbing daan ng ugnayan ng mga mamamayan sa isang partikular na lugar.

Hindi maiiwasang maraming wika sa isang bansang tulad ng Pilipinas dahil sa pulo-pulo ang mga lugar dito. Kaya naman ang pamumuhay sa isang isla ay iba kompara sa kasamahang isla sa isang bansa, kabilang na rito ang wika.

Salamin din ng mayamang kasaysayan at kultura ang pagkakaroon ng napakaraming wika sa Pilipinas kaya naman dapat ituring ito nang mayroong magkakapantay na halaga.