Bakit mahalagang maging malakas at malusog ang pangangatawan?

Katanungan Sagot

8

Katanungan

bakit mahalagang maging malakas at malusog ang pangangatawan?

Sagot verified answer sagot

Ang pangangalaga sa ating katawan ay isang napakaimportanteng bagay na kailangan natin gampanan. Mahalaga ang pananatili natin na malusog dahil ang katawan natin ang ating katuwang upang gumawa ng mga bagay-bagay.

Upang mapanatiling malusog at malakas ang ating katawan, tayo dapat ay kumain ng masusutansyang mga pagkain tulad ng mga gulay at karne.

Para naman hindi tayo dapuan ng sakit ay kailangan natin maligo o linisin ang ating katawan araw-araw. Lalo na ngayong pahanon ng pandemya na may kumakalat na virus na nakakahawa.

Ang pag-eehersisyo araw-araw ay isa ring magandang paraan upang tayo ay maging malakas at malusog. Maaaring maglalakad-lakad lamang o di kaya naman ay maglaro ng sports.