Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman sa lokasyon o kinaroroonan ng mga rehiyon sa Asya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman sa lokasyon o kinaroroonan ng mga rehiyon sa Asya? Patulong po sana ako, ang hirap kasi.. walang ibang magtuturo sakin huhu..

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman sa lokasyon o kinaroroonan ng mga rehiyon sa AsyaIsang mahalagang bagay ang malaman ang lokasyon o kinaroroonan ng mga rehiyon sa Asya dahil ito ang makapagsasabi ng klima, kultura, at maging likas yaman dito.

Ang klima o panahon sa Asya ay iba-iba depende sa lokasyon at rehiyon. Ang klima o panahon ay mahalagang malaman upang mapaghandaan ng mga residente ang maaaring epekto nito, lalo na sa kanilang agrikultura na mahalagang salik para sa kabuhayan at pagkain ng mga mamamayan.

Mahalaga ring malaman ang lokasyon upang mabatid kung anong uri ng produkto ang nanggagaling sa rehiyon. Ang klima rin kasi ang nagdidikta kung ano-anong mga produkto, kabilang na ang mga inaani, na mabubuo ng isang rehiyon sa Asya.