Bakit mahalagang magsagawa ng paghahanda sa sarili bago maglaro?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit mahalagang magsagawa ng paghahanda sa sarili bago maglaro?

Sagot verified answer sagot

Ang paglalaro ay isang kaganapan kung saan kadalasan ay ginagamit natin ang ating pisikal na abilidad. Mahalagang ihanda muna natin ang ating sarili bago tayo sumabak sa paglalaro upang hindi mabigla ang ating katawan sa paglalaro o sa paggalaw.

Sa ganitong paraan ay hindi sasakit ang ating katawan. Magagawa nating ang paghahanda sa mga paraan tulad ng pag-eehersisyo, pag-eensayo, at pagkain ng tama at masustansya.

Kung mental na abilidad naman ang gagamitin sa paglalaro, siguraduhing kumain parin nang masustansya at matulog nang maaga upang maging handa ang sarili. Maaari ring magbasa-basa ng mga dagdag kaalaman at impormasyon para sa larong gaganapin.