Bakit mahalagang makita ang pagpapatakbo sa lipunan bilang kapwa pananagutan ng pinuno at mamamayan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalagang makita ang pagpapatakbo sa lipunan bilang kapwa pananagutan ng pinuno at mamamayan?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalagang makita ang pagpapatakbo sa lipunan bilang kapwa pananagutan ng pinuno at mamamayanBawat isang bahagi ng isang lipunan ay mayroong responsibilidad na patakbuhin ang kaniyang lipunang ginagalawan.

Hindi lamang nakaatang sa mga nasa kapangyarihan ang obligasyon upang maging maganda ang takbo ng kanilang lugar na ginagalawan. Kinakailangan din ng kooperasyon ng mga mamamayan na makiisa sa mga ipinatutupad na panuntunan at batas.

Kung bawat isa ay susunod sa mga itinakdang utos na ginawa para sa ikabubuti ng lahat, siguradong magiging maunlad ang kanilang lugar.

Bilang pinuno naman, dapat ay matapat ang pamamalakad upang makaiwas sa mga kaguluhan. Kung hindi kasi maayos ang mga nanumuno, wala ring magagawang magandang bunga ito sa mga nasasakupan at maaari pa silang mag-aklas o magtanim ng sama ng loob.