Katanungan
bakit mahalagang malaman ang uri at elemento ng sanaysay sa pag aaral ng wika?
Sagot
Ang kahalagaan ng kaalaman sa elemento ng isang sanaysay sa pag-aaral ng isang wika ay dahil ito ay maaari nating maging batayan upang mas mapadali at mas maintidihan natin ang legguwaheng ating pinag-aaralan.
Isa sa mga elemento ng sanaysay ay ang anyo at istruktura nito. Kung ating pag-aaralan ito ay maaari rin nating gamitin ang parehong paraan sa wika.
Kung susundin natin ang paraan na ito ay mas magiging maayos ang nais natin ipabatid sa mambabasa o sinumang tao.
Elemento rin ng sanaysay ang paggamit ng simpleng wika. Tinuturo nito na sa pag-aaral ng isang wika, dapat ay tayo rin magsimula sa simple o basic na mga salita.