Bakit mahalagang malaman ng mga mamamayan ang peligro sa kanilang kapaligiran?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Bakit mahalagang malaman ng mga mamamayan ang peligro sa kanilang kapaligiran?

Sagot verified answer sagot

Upang maging handa o alerto sa mga posibleng maganap ang dahilan kung bakit mahalaga na malaman ng mga mamamayan ang peligro sa kanilang kapaligiran.

Ang pananalanta ng mga peligrong mula sa ating kapaligiran ay hindi inaasahan. Walang tiyak na panahon ng pagtama nito kung kaya ang kahandaan ang tanging susi upang mabawasan ang pinsalang pwedeng maidulot nito.

Unang una sa pagiging handa ng isang tao ang alamin ang mga peligrong maaaring maganap sa lugar kung saan siya naninirahan.

Sa pamamagitan nito matitiyak niya ang mga dapat na maging paghahanda dahil kung ang paghahanda na hindi batid ang dahilan ng pinaghahandaan ay hindi makatutulong kung minsan. Sapagkat ang sakuna ay may angkop na kahandaan.