Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?

Katanungan

bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?

Sagot verified answer sagot

Mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.

Ang economic performance ng isang bansa ay tumutukoy sa pangkalahatang pagtamo ng gawain at responibilidad sa lahat ng sektor ng bansa na siyang makatutukoy upang malaman ang pagbaba o pag-angat nito.

Dahil sa ekonomiya nakalaan ang progreso o pag-unlad ng isang bansa, ito ay maigting na binabantayan at sinusukat upang maipakita ang antas o takbuhin nito.

Kapaki-pakinabang ang pagtukoy nito sapagkat malalaman ng mga namumuno ang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Samantala, ang progresibong pagpapatakbo rito ay nakatutulong upang maipakilala ang ekonomiya ng bansa sa mga karatig-lugar nito.