Bakit mahalagang matukoy natin ang paksa ng isang tekstong binasa?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit mahalagang matukoy natin ang paksa ng isang tekstong binasa?

Sagot verified answer sagot

Kapag tayo ay may binabasa na teksto, napaka-importante na malaman natin at matukoy ang paksa nito. Sa paksa natin makikita kung tungkol saan ang tekstong binasa.

Kung hindi natin alam kung tungkol saan ang tekstong binasa ay maaari tayong magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Ang paksa rin ang kadalasan na magbibigay ng paramdam o pahiwatig sa mensaheng nais ipaabot ng may akda o manunulat.

Kung ang tekstong ating binasa ay isang sanaysay lamang, ang paksa ay madalas na makikita natin sa unang pangungusap pa lamang.

Ang pamagat ng mga panitikan tulad ng makling kwento ay kadalasan rin nagsasabi kung tungkol saan ang magiging teksto.