Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan ng risk assessment?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan ng risk assessment?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan ng risk assessmentMahalagang matutuhan ang risk assessment dahil sa iba’t ibang rason. Una, dahil sa risk assessment ay nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.

Ikalawa, nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk assessment ay nagkakaron nang mas matibay na batayan ang maaaring maging ng epekto ng hazard sa kanilang komunidad.

Nagsisilbing batayan din ito sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisya, programa, proyekto, at estratihiya upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.