Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng lakbay sanaysay?

Katanungan

bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng lakbay sanaysay?

Sagot verified answer sagot

Mahalagang matutunan ang pagsulat ng lakbay-sanaysay upang makapagbigay kaalaman hinggil sa isang lugar.

Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulatin na nagtataglay ng mga mahahalagang detalye tungkol sa isang lugar na nais ipakilala ng manunulat.

Ang kahalagahan ng sulating ito ay: nagbibigay daan ito upang maibahagi ng isang tao ang kanyang karanasan mula sa paglalakbay, nakatutulong ito upang malaman ng mga tao ang mga makasaysayang naganap sa isang lugar, nakatutulong ito upang maipakilala sa madla ang isang lugar, napalalawak nito ang ideyang nalalaman ng isang tao tungkol sa isang lugar, at ito ang siyang daan upang higit na makita ang pagpapahalaga sa kultura ng iba’t ibang lugar.