Bakit mahalagang pag aralan ang katangiang pisikal ng daigdig?

Katanungan

bakit mahalagang pag aralan ang katangiang pisikal ng daigdig?

Sagot verified answer sagot

Talaga namang napaka importante na mapag-aralan natin ang pisikal na katangian n gating daigdig. Una sa lahat, napakalaki ng mundo.

Kung hindi natin mapag-aralan ang kahit kaunti man lang patungkol sa itsura ng daigdig ay mananatili tayong mangmang at hindi natin malalaman kung paano gumalaw sa mundong ibabaw na ito.

Ikalawa, ang pag-aaral ng pisikal na katangian ng daigdig ang tumutulong sa atin upang makaiwas tayo sa mga sakuna.

Ikatlo naman, napakaganda ng daigdig. Dapat lamang na pag-aralan ang pisikal na katangina nito dahil ang daming mga likas na yaman at ang kapaligiran ay napakamakulay at nakaaliw na malaman ang proseso nila.