Bakit mahalagang pag-aralan ang kontemporaryong isyu?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalagang pag-aralan ang kontemporaryong isyu? Ito po ba yung mga nasa 24-oras news?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalagang pag-aralan ang kontemporaryong isyuAng bawat araw na inilalagi natin sa mundo ay panibagong araw din upang mayroong umusbong na isyu o usapin. Sabi nga, hangga’t hindi natatapos ang buhay ng tao ay patuloy ang mga isyung kaniyang kasasangkutan.

Ito rin ang dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang mga kontempraneyong isyu. Ito ay mga isyung napapanahon at mainit na pinag-uusapan sa kasalukuyan.

Mahalaga itong malaman dahil nakaangkla ito sa kasalukuyang panahon sa mundong ginagalawan natin at lahat tayo ay apektado.

Kaya naman makatuwiran lamang na makiaalam at pag-aralan ang mga usapin at tuklasin sa kung saang paraan tayo makapagbibigay ng tulong o kung kaya ba nating maging bahagi ng solusyon sa nasabing isyu.