Bakit mahalagang pag aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahong ito?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit mahalagang pag aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahong ito?

Sagot verified answer sagot

Ang pag-aaral at pagbabasa ng mga akdang pampanitikan, lalo na ang mga lokal na lathalain, ay talaga namang napakahalaga lalo na sa panahon ngayon.

Ang mga panitikan na ito ay naglalaman ng parehong masaganang at masalimuot na kasaysayan ng ating bansa.

Isang paraan ang mga akdang pampanitikan upang malaman ng mga kabataan ang sakripisyo at kabayanihan na ginawa ng kanilang mga ninuno upang magkaroon ng kalayaan na tinatamasa ngayon.

Nakasulat rin sa mga akdang pampanitikan ang iba’t-ibang makukulay na kultura at tradisyon mayroon ang sambayanang Pilipino.

Kapupulutan rin ng aral ang mga akdang pampanitikan na ito bagkus kadalasan ay sumasalamin ang mga ito sa realidad ng lipunan.