Katanungan
bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?
Sagot
Mahalagang pag-aralan ang pabula dahil ito ay kapupulutan ng aral.
Ang pabula ay isang uri ng kwento na hango sa kathang-isip ng manunulat. Ang mga karaniwang karakter na bumubuo sa kwentong ito ay mga hayop o di naman kaya ay mga walang buhay na bagay kung kaya naman higit itong kinagigiliwan ng mga mambabasa higit na lalo ang mga bata.
Mahalaga ang pag-aaral ng ganitong uri ng panitikan dahil ito ay nag-iiwan ng isang moral o aral na maikiintal sa kaisipan ng isang bata. Ang mga salitang ginagamit ay nauunawaan ng mga bata kung kaya ito ay hindi mahirap maintindihan.