Bakit mahalagang pangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa?

Katanungan

bakit mahalagang pangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa?

Sagot verified answer sagot

Mahalagang pangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa para maiwasan ang masamang dulot ng pagmamalabis sa kanilang likas na paganap sa paggawa.

Ang mga manggagawa ay ang itinuturing na dugo ng industriya sapagkat sila ang mga taong nagbibigay ng lakas paggawa upang sa gayon ay makabuo ng isang produkto na nakatutulong sa sirkulasyon ng pag-unlad ng ekonomiya.

Kung kaya naman, dapat na pangalagaan ang kanilang mga karapatan upang masiguro na ang bawat isa ay tiyak na nabibigyang halaga at walang napagmamalabisan.

Sapagkat, ang mga ito ay makaaapekto sa pagganap ng mga mangagawa. Ang karapatan ng mga manggagawa ay mahalaga sapagkat ito ang nagbibigay sakanila ng motibasyon upang magbigay ng serbisyo sa abot ng kanilang makakaya.