Bakit mahalagang pangalagaan ng tao ang daigdig?

Katanungan

bakit mahalagang pangalagaan ng tao ang daigdig?

Sagot verified answer sagot

Mahalagang pangalagaan ng tao ang daigdig sapagkat ito ang nagsisilbing kanlungan ng bawat nilalang na nabubuhay sa mundo.

Ito ang nagsisilbing tahanan at nagbibigay ng bawat pangangailangan ng tao upang maging matagumpay sa pang-araw-araw na buhay.

Ang daigdig ay ang tiyak na tirahan ng mga tao. ito ay nabuo hinggil sa iba’t ibang teorya ng pagkakabuo nito.

Sa kabila ng iba’t ibang kaalaman ukol sa pagkakabuo, ang mga tao ay nararapat na pangalagaan ang daigdig sapagkat kung ito ay patuloy na mawawasak o masisira ay malaki ang posibilidad na magwakas din ang buhay ng mga nilalang na naninirahan dito.